top of page

Recent Posts

Archive

Tags

No tags yet.

Angelo Ty Dazo - 54 years old (Bong Ty Dazo)



Ipinanganak noong June 16, 1962. (54 years old)

Isang napaka talented na artist mula sa Unibersidad ng Far Eastern University. Nag simula siya maging isang textile designer at graphic design pagtapos ng kolehiyo. Naging production designer rin siya Peta at pagtapos ng ilang taon ay nakahanap siya ng oportunidad na makahanap ng panibagong trabaho at kanyang pinasok ang pagiging animator sa isang kompanya. Hindi ito naging madali, dahil sa loob daw ng trabaho ay walang mag tuturo sa'yo, at ang hindi maiiwasang kompetisyon. Sumunod naman ay naging isang illustrator ng comics sa Atlas Publishing house. Masasabing ito na ang stable na trabaho niya dahil homebased ito, sinabi niya na mas kumportable siya sa ganitong klaseng work.

Si sir Bong ay isa ring collector ng mga laruan.


Makikita mo sa kanyang working area na meron siyang dalawang drafting table, napapalgiran ng mga dating mga gawa at references. Isa para sa pencil at isa na merong lightbox. At ang mga naka-display at hile-hilerang mga laruan, mahilig siya mangulekta, at gumawa ng mga laruan. Ang pang-limang litrato sa itaas ay isa sa kanyang "work in progress" na laruan, ang plano niya rito ay paghaluin ang Gundam at Voltes V.


Marami siyang mga vintage na laruan at mga gawang laruan, binebenta niya ang mga ito sa e-bay. Mayroong umabot ng 450k ang presyo, tumataas ang value dahil nga sa rarity nito.

bottom of page